'Nung Minsang Kinati Ang Palad Ko

Ako si donaldak, taga ligtas ng naaapi. Idol ko si the beatles at inlab ako sa carrots. Hindi ko ipagpapalit ang carrots sa kahit anong bagay.

Investment

Ngayong ako ay nasa simula ng yugto ng aking buhay bilang isang taong may trabaho, lagi kong naiisip kung saan ako mapapadpad.

Sa Canada ba? Pupunta ako ng Canada, ano ang mga pwede ko lang idala?

  • Culangot
  • Almuranas
  • Nanananana Batman
  • Awwwww Awwww (Dog. Because I love dogs)
  • Drums
  • Ampalaya Shake

Lugar. Naisip ko rin minsan ‘yon e. Mapapadpad kaya ako sa ibang bansa? Malaking sweldo kapalit ng lungkot? Mahilig ako gumala sa mga mapopormang lugar. Sa mga peaceful na mapopormang lugar. Sa tuktok ng bundok. Sa Machu Picchu. Sa beach, tinatangay ng alon. Tahimik. Peaceful!

Isa rin sa mga bagay na naiisip ko ngayon sa panahon na ito ay kung ano na ang dapat kong gawin? Tapos biglang boooom! May idea.

Mag set ng goals sa buhay.

Investment

1. Money

Alam naman siguro ng lahat na mahirap mabuhay sa mundo ng walang pera. Ang gusto kong gawin sa pera ko pagdating ng panahon ay pang trip sa buhay. Siguro yayaman ako, siguro hindi. Ang importante ay mabigyan ko ng mapormang buhay rin ang magiging pamilya ko. Tapos kapag stable na sila sa buhay, lahat ng pera ko e pang dodonate ko sa mga nangangailanagn. Hindi ko sila bibigyan ng pamana kung may maipapamana man ako sa kanila. Gusto ko ‘yong nagpapakain ako ng mga walang makain. "Hey guurrrlll! Eat this jolly hotdog!"

Ang pangarap ko nung bata ako e magbigay ng mga bigas bigas sa mga tao. Isang butil ganun. Tapos nagpapakain ng manok. Mais mais.

     Pinaka-ayaw kong naghihirap ang mga matatanda. May mga magulang naman tayo lahat e. Ang porma kaya nila. May nabasa nga ako na sa larangan ng photograpiya, na mga matatanda ang isa sa pinaka ideal subject para sa mga portrait shots. Ang detalye ng kanilang muka. Lahat ng wrinkles nila. Storya ng kanilang buhay.

2. Talents

Bata pa tayo. Marami pa tayong matututunang craft sa buhay. Marami na akong nilibot na sining. Sinubukan ko magdrawing, magpainting, mag drums, photography, swimming, surfing, spelunking, mountain climbing, programming, kemboting. Wag lang pagsasaulo. Memorizing. Hindi ko trip. Hinahanap ko kung saan ako magiging masaya. Tapos mag-iinvest ng time and effort para mag-improve.

     Kung talent mo networking, go go sago! Pero walang pilitan talaga ng trip sa buhay. May kanyakanyang trip sa buhay. Pakiramdam ko e hindi ko field ‘yon. Sabi ko nga dati, nasubukan ko ‘yon. Pero pakiramdam ko hindi ako nag-eenjoy dun. Pakiramdam ko e wala akong matututunang bago sa mga ganong bagay.

     Wala akong mapormang talent sa tingin ko. Kaya ngayon naghahanap pa rin talaga ako.

3. Pag-ibig

Pag-ibig sa tingin ko ang pinakamahirap na investment sa buhay. Hindi ka sure. Hindi ka talaga sure. Mas risky siya sa sa pag buy and sell ng stocks sa stock market. Hindi mo alam kung kelan ang return of investment. Hindi mo alam kung meron talagang returns. Pero bakit? bakit nga ba? Bakit umiibig ang mga tao? Mapapaisip ka rin e. Hindi ko rin alam. Pero may hula ako. 

     Theory. Theory ng Pag-ibig. Kasi masarap umibig. Parang pagkain na hinahanap hanap. ‘Yong kain ka ng kain kahit alam mong sobra na pero kasi masarap. Umiibig ka ng sobra sobra. Kasi masarap. Nararamdaman mong tao ka. Pag-ibig.

     Pero kahit super hardcore kang magmahal, hindi mo alam ang return of investment. Hindi mo alam kung anong mangyayari. E paano ‘to naging investment?

      Kasi ito ‘yong mga bagay na hindi nangyayari sa isang araw lang. Or  kada kinsenas. Kailangan mag-put ng time and effort. ‘Yong parang wala ng bukas. Magtira ka pa rin siyempre kahit konti para sa sarili mo. Para makabangon ka ulit kunsakaling walang Return of Investment.



"Walang masyadong sense ‘tong post na ‘to pero masyado na kasing mahaba kaya di ko binura. Parang buhay. Parang memories. Nariyan na e. Medyo pangit man, nakakatuwa pa rin paminsan-minsan na may binabalikan"

-Lindon Investoringshingshing

Inspiration

*Note: Mahaba itong post na ito kaya sa umpisa pa lang sinasabi ko na sa ‘yo na sinasayang mo lang ang oras mo sa pag-basa nito.

Ngayong nagdaang mga araw, unti-unti ko nang nararamdaman ang pagod dulot ng pagpasok sa trabaho. Nasanay ako sa buhay kung saan hawak ko ang sarili kong oras, lahat ng pera ko ay nanggagaling mula sa aking mga magulang, hindi nakakaramdam ng pagod, kahit anong oras gumising.

Ang kwentong ito ay tungkol sa mga bagay bagay sa mundo na puno ng kilig and stuff.

Nagsimula ako sa aking pinaka-unang “totoong" trabaho last month, February 2013. Nagkaroon ako ng mga income generating churvalooms noong unang panahon. Kumikita ako sa aking pagkuha ng litrato (although pakiramdam ko ay super baba ng aking singil. Doing it for the passion ika nga). Nasubukan ko na rin ang networking networking stuff na tunay namang uso ngayong panahon ngunit masasabi kong hindi para sa lahat ng tao ang networking na ‘yan. Feeling ko hindi ako mukang kapanipaniwala dahil muka akong adik adik siguro. (Hindi rin naman ako marunong magtinda ng mga produkto kaya wala talagang sense. Kahit 5cents ay wala akong kinita sa networking stuff na ‘yan. Magkakaroon pa kayo ng mga chants at palapalakpak na parang saleslady ng SM.)


Noong huling semester ko sa kolehiyo, tatlong oras lang ang pasok ko. Para akong nasa bakasyon. Nakaupo, nakahiga, naglalakad, tumatakbo, umiibig. ‘Yan ang mga pang-araw-araw na gawin ko noon. Hanggang ‘yon nga, nakapagtapos. Dalawang buwang naging tambay. Maraming nainom na tubig. Tapos biglang *poof!*. *kaboom* *sprakatakatatiktakbagklakabooosh*, natanggap ako sa isang kumpanya. Hindi na ako bum!

Sa buhay ng pagtratrabaho, kahit isang buwan pa lang ang aking experience, masasabi ko ang mga bagay na ito

  • Masarap kumita ng sariling pera!
  • Mahirap kumita ng pera.
  • Madali mawala ang pera.
  • Isang factor ng pagod ay ang gutom
  • Nakakaihi at nakakautot ang sobrang kape
  • Mahirap gumising sa umaga
  • Mababadtrip ka sa mga kurakot dahil sa laki ng binabayad mong tax.
  • Na halos 1/4 ng sweldo (entry-level sweldo) ay napupunta sa mga kung ano-anong insurance and stuff
  • Maraming hiring na call center ngayon.

Siguro maswerte nga talaga akong tao. Mga magulang ko pa rin ang nagbabayad ng renta ng aking tinitirahan ngayon. Wala na ring restrictions masayado sa mga bagay na ginagawa ko sa buhay. Libreng life advices pa. Nandiyan rin ang aking mga pinsan at mga tito at tita. Oo wala akong kapatid, pero who needs one, kung para mo na ring kapatid mga pinsan mo.

Maswerte sa pamilya: Check!


Sa punto ngayon ng aking buhay, exactly ngayon… ahh…. okay, mga 1second ago. shet 2 seconds na. Okay nevermind. Basta ngayong oras, tinatanong ko sa sarili ko,  ANO NA?

Ano na ang susunod? Bibili na ba ako ng sarili kong kotse? Bibili na ba ako ng sarili kong bahay? Magpapakasal na ba ako? Mag-iipon ng pangpaaral sa mga bata. Mag-iipon ng pera para sa aking pagtanda? Ano na?

SHIT! Dead end?

NO

Unang pumasok sa aking isipan ang aking mga magulang. Bilang nag-iisang anak, alam ko na naibigay nila ang lahat ng pangangailangan ko sa buhay, at sobra sobra pa. Alam ko darating ang panahon, ako na ang mag-aalaga sa kanila. Ang misyon ko sa buhay na ito ay maibalik ang lahat ng alaga, pagmamahal at suporta na naibigay ng aking mga magulang.

Ikalawang pumasok sa isip ko ay ang aking mga pangarap sa buhay. Gusto kong malibot ang mundo. Gusto kong masulit ang buhay na ito. Pangarap ko sa buhay na makapagpakain ng mga tao tao. Parang "Hey guuurrrlll! Eat this! This is yummy!"

Ikatlo, ang pangarap ng aking mga magiging anak. Gusto ko matupad mga pangarap nila. "Pa, ang pangarap ko e makakain ng ChickenJoy bukas." "Sure nak! Pero akin ang balat ha?" Pangarap ko dati maging piloto. Pangarap ko dating maging musician. It’s either mahal or hindi kayang makabuhay ng pamilya. Pero ayos naman, mahal ko ginagawa ko ngayon. Masaya ako. Masaya pa.

Habang tumatanda, marerealize mo rin na hindi ikaw ang sentro ng mundo. Na hindi mo kayang baguhin ang gobyerno ng mag-isa kahit magrebelde rebelde ka pa. Na hindi lahat ng plano mo matutupad. Na maraming hindi sinasabi sa ‘yo ‘yong nag-oorient sa ‘yo sa isang networking-networking thing na ‘yan. Na hindi perpekto ang lahat ng relasyon pero pinaglalaban mo pa rin. Na malaki ang tax talaga ng gobyerno tapos maraming kurakot fakshet.

Habang tumatanda ka, matuto kang gumising ng maaga, mag-plaplano ng kakainin mo sa isang linggo, magbubudget ng sarili mong pera, maniniwala sa isang Diyos na hindi nakikita pero talagang epektib at enjoy kausap, mas mapapalapit ang loob sa mga nagmamahal sa ‘yo.

"Magsikhay ka para sa mga mahal mo sa buhay. Mapa-pagkain man ito o ang iyong mga magulang o mga pangarap mo sa buhay."

-Lindon DancingKalabaw

BACK

Tumblr. Testing. Tumblr… 1… 2… 3… hello

Timeline

Nawiwirduhan ako sa mga taong nagcocomplain sa timeline. At sa mga taong feeling nila ang cool nila kapag hindi pa naka-timeline ang account nila sa facebook.

Hindi naman masamang mag-resist sa change e. Pero change is inevitable sabi nga nila. Kahit ‘yang katawan mo nagbabago. Nagkakaroon ka ng buhok sa katawan. Kung papansinin niyo nga ngayon pati mga babae nagkakabigote na rin e.

And no! You’re not cooler than any of us just because your facebook account is not in Timeline layout. Pareparehas lang tayong humihinga ng pollution.

Parang mas may sense pa ‘yong post ko na

"Umutot ako, MMMM! Ambango!"

Kesa sa

"Shet! Naka-timeline na ako! I hate facebook!"

Or

"Ultimate survivor! Di pa ako nakatimeline!"

Hahahaha! Hater potek. Naghahanap kasi ako ng mga may sense na post, puro anti-timeline post nakikita ko. PWEH!

Misterio

Ito na nga ba ang misterio na bumabalot sayo nakatago sayo lumalapit sayo.


-slapshock

I’m back

Ako ay nagbabalik. More than 3 months na ata akong hindi nagtutumblr. Grabe hardcore. May plano ako. Gagamitin ko ang web para magtrabaho. Actually, naiinggit ako sa mga bagong graduate kasi pwede na silang magtrabaho e. Bakit ako? So ‘yon parang naisip ko e okay din magtrabaho talaga. ‘Yong tipong nagdedesign ako para sa mga clients o nag-proprogram tapos babayaran nila ako. Cool din talaga. Para eventually, pagkagraduate, e may working experience na ako. Naks. Naks talaga the best.

Cutesie patootsie

Cutesie patootsie

the moon

the moon

Problema

Okay din talaga ang mga blog blog na ganito e. Pwede mo isulat kahit anong gusto mong isulat. Kahit saan actually pwede. Sa mga SNS tulad ng facebook. Pwede mong ibahagi sa buong mundo ang iyong nararamdaman.

PROBLEMA

Meron akong theory diyan. Sa tingin ko e hindi dapat shinishare ‘yan sa madaming tao. Malamang sa web, mas lalong hindi dapat.

Mas kokonting taong nakakaalam, mas madaling ayusin. Wirdo minsan makakabasa ka ng mga magkarelasyon na nag-aaway sa facebook. Minsan nadadamay pati mga “kaibigan”, kampihan. Mas lalong lumalala ang away.

Ngayon, instead na ishare ko ang aking mga problema sa mundo, magbabasa na lang ako ng 9gag. pero bago ‘yan, meron pala akong bagong business thing. Para sa future.

checkitawt: click! click! click!

Madaming bagay sa mundo na kahit mukang retarded e cute pa rin. Yep. She gives color to my world. Got any problem? :) 

Madaming bagay sa mundo na kahit mukang retarded e cute pa rin. 

Yep. She gives color to my world. Got any problem? :) 

Melancholy

Melancholy

Talk to the hand

Talk to the hand

Pwede na akong magpatayo ng parlor!!!

Pwede na akong magpatayo ng parlor!!!