'Nung Minsang Kinati Ang Palad Ko

Ako si donaldak, taga ligtas ng naaapi. Idol ko si the beatles at inlab ako sa carrots. Hindi ko ipagpapalit ang carrots sa kahit anong bagay.

Malamig

Isang gabing malamig, merong e-cigarette sa aking kamay. Oo, pekeng sigarilyo ito. Nabawasan ng 50% ang kaastigan ng pagyoyosi kasi hindi ito tunay na yosi. Pero ito lang ang pwede kong gawin habang nakahiga sa kama, at nag-iisip ng maraming bagay. Siyempre ayaw ko naman daw magkalat ng upos ng sigarilyo sa kama ko.

Grabe ang panahon, ang bilis magbago. Kaninang umaga maaraw. Tuwang tuwa ako. Tuwang tuwa talaga ako. Masayang cool. Pero ngayong gabi sobrang lamig. Ang bilis mag-bago. Kaya maraming taong nagkakasakit ngayon e.